Paseo de San Pablo, big boost para sa small and medium-sized enterprises

0
1127

Nakapamasyal na ba kayo sa Paseo de San Pablo sa Bry. San Jose, San Pablo City?

Naintriga ako sa dami ng taong namamasyal dito kasabay ng pagluwag ng Covid-19 restrictions kaya sumilip ako. Dito ay nagkukwentuhan kami ng may ari nito na si Ms Gem Castillo. Dati siyang artista at miyembro ng That’s Entertainment. Ulirang ina at maybahay na siya ngayon at isang mahusay na negosyante.

Maganda pala ang adhikain ng Paseo de San Pablo. Nagbibigay pala ito ng chance para sa mga restaurant at dry good store na nalugi. Lalo na ang mga hindi na makabayad sa pwesto dahil sa sobrang hina ng benta. The best na pandemic-friendly business idea ito.

“Binuksan ko itong Paseo de San Pablo para ‘yung mga nagsarang business dahil sa pandemic ay magkaroon ng chance na makabangon. Kasi 200 per day lang ang upa sa stall dito,” ito ang paliwanag ni Ms Gem.

Dahil sa ganda ng mga ilaw at palamuti sa loob at labas ng Paseo de San Pablo ay paboritong pasyalan ito ng mga magkakaibigan at pamilya. Maganda at natural na background ang tanawin dito para sa photo ops at selfie. Mura din ang pagkain sa mga food stalls dito dahil mababa ang overhead. At syempre, nagki-create ito ng foot traffic. Bukod dito ay may mga activities na nagpapalakas ng customer traffic kagaya ng live band tuwing gabi.

May isang park dito para sa mga bata kung saan ay nagpapalabas ng cartoons at mga sineng pambata. Ito daw ay para maging ligtas ang mga bata sa Covid-19. Meron itong mga magkakalayong tables and chairs na pwedeng gamitin ng tropa at pamilya sa kainan. Masarap ang sushi sa  Marou’s Maki Roll. Ok na ok din ang japanese food sa Takoyaki house restaurant.

Maayos ang mga facilities ng pinakabagong arcade sa San Pablo. Malinis ang mga restrooms at malalaki ang alley sa pagitan ng stalls. Akala ko nga ay mahal ang rent dito dahil parang high-end commercial space ang lugar. Nakakatanggal din ng stress ang open air ambiance nito.

Sa kasamaang palad, lahat pala ng stalls ay okupado na. Tinanong ko si Gem kung may balak pa siyang magdagdag ng stalls. “Pinag aaralan ko kung saan pa ako pwedeng maglagay ng stalls para marami pa tayong matulungan,” ito ang sabi nya.

Kaya abang abang lang sa mga nagbabalak magbukas ng tindahan ng pagkain, damit, toys, shoes at iba pang dry gods. Magpapasko na. Siguro naman kahit paano ay pi-pickup na ngayong taon ang mga panindang pamasko. At ang pinakamaganda, mababa at controllable na ang kaso ng Covid-19 sa buong bansa.

Ang mahigit na 150 stalls sa Paseo de San Pablo ay napakalaking tulong sa mga small businesses na nagsilipat dito. Saludo ako kay Ms Gem Castillo sa business idea na naisip nya – kumikita habang nakakatulong sa kapwa negosyante. Classic example ito ng business with conscience.

Author profile
myrone zabat Jr
Marius Myrone S Zabat Jr

Si Marius Myrone S Zabat ay naging presidente ng San Pablo Amateur Radio Club (1996-1997), JCI San Pablo (1997-1998), at San Pablo Jaycees Senate (2001-2003). General Manager din siya ng  Milmar Distillery at Tierra De Oro Resort-Hotel.