MAYNILA — Kinansela na ng Pasig Regional Trial Court Branch 157 ang mga pasaporte nina dating presidential spokesperson Harry Roque, Cassandra Li Ong, at iba pang akusado sa kasong qualified human trafficking, ayon kay Department of Justice (DOJ) Prosecutor General Richard Fadullon.
Sina Roque at Ong ay parehong inisyuhan ng warrant of arrest, kasama ang 48 pang iba na kinasuhan kaugnay sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na Lucky South 99 sa Porac, Pampanga.
Ayon sa DOJ, kasalukuyang nasa Netherlands si Roque, kung saan humihingi siya ng asylum. Samantala, si Ong ay huling namataan sa Japan matapos umano itong lumabas ng bansa gamit ang backdoor.
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.






