Passport renewal office, binuksan sa Robinsons Place Lipa

0
630

Lipa City, Batangas.  Binuksan sa lungsod na ito ang tanggapan ng temporary offsite passport service (TOPS) para sa passport renewal, ayon sa report ng Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon, Nobyembre 16, 2021.

Ang TOPS ay matatagpuan sa Robinsons Place Lipa.

“In keeping with the instructions of Secretary Teodoro Locsin, Jr. to increase the number of appointment slots available to the public, DFA-OCA (Office of Consular Affairs) tweaked the design of these and succeeding TOPS to put a premium on the speed of transaction, as only by ensuring a faster turn-around time per applicant can we have increased capacity per day,” ayon sa mensahe ni Foreign Affairs Assistant Secretary Senen Mangalile.

Dahil ang TOPS ay magpapaunlak lamang ng passport renewal, ang ibang kumpliado transaksyon gaya ng lost passport application at pagbabago sa personal details ay ipinapayo na sa pinakamalapit na consular office idulog.

Sa mga nais magpa book sa TOPS Robinsons Place, pumunta lamang sa link na ito:

www.passport.gov.ph.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.