Patuloy ang search and rescue ops para sa 7 mangingisda sa Palawan

0
343

Puerto Princesa City, Palawan. Nawawala pa rin ang pitong mangingisdang Pinoy matapos makipagsalpukan ang kanilang bangkang pangisda sa isang cargo vessel sa karagatan ng Maracana Island sa Agutaya, Palawan noong Sabado.

Patuloy ang search and rescue operations hanggang sa ang lahat ng nawawalang indibidwal ay ma-account, ayon sa statement ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Commodore Armando Balilo.

Kasama ang PCG sa mga isinasagawang operasyon ng Philippine Air Force at Philippine Navy, ayon sa kanya.

“Nag-issue na rin tayo ng notice of mariners para alam ng mga transiting vessels na mayroon tayong hinahanap na mga mangingisda (We have issued a notice of mariners so that all transiting vessels are aware of our missing fishers),” Balilo said.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, sinabi niya na ang FB JOT-18, ang bangka ng mangingisda ay nagkaroon ng problema sa makina bago naganap ang banggaan bandang 5:40 ng hapon, nabangga ng fishing boat ang MV Happy Hiro, isang cargo vessel na naglalayag na dala ang bandila ng Marshall Islands.

Sa kasalukuyan, ang mga log ng MV Happy Hiro ay sinusuri upang makita kung ang warning system ng barko ay nakapagbigay ng alarma na maaaring makatulong sa pag-iwas sana sa insidente, ayon pa rin kay Balilo.

Ilang sandali matapos ang banggaan noong Sabado, nailigtas ng isang transiting fishing boat ang 13 sa 20 tripulante ng FB JOT-18.

Ang mga nasagip na indibidwal ay inilipat sa MV Happy Hiro. 12 ang natagpuang may maliliit na gasgas at ang isa ay may bahagyang sugat sa ulo.

Karamihan sa mga distressed fisher ay residente ng Bantayan Island, Cebu at ang isa ay residente ng Estancia, Iloilo.

Dinala ang mga nasagip na mangingisda sa Lipata Port, Culasi, Antique noong Linggo at dinala sa pinakamalapit na ospital.

Ang mga nasagip ay sina Donde Petiero, 38; Roderico Mata, 31; Randy Mata, 36; Renie Espinosa, 38; Mario Quezon, 24; Sammuel Ducay, 40; Rendil dela Peña, 42; Martin Flores Jr., 58; Jupiter Ibañiez, 38; Andring Pasikaran, 43; Jonel Mata, 30; Joemar Pahid, 32; at Arjay Barsaga, 36. (PNA)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.