Pauuwiin lang ang mga hindi na-vaxx, hindi arestuhin: DILG

0
264

Nilinaw ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año kahapon na ang mga indibidwal na hindi pa nabakunahan laban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) ay pauuwiin lamang at hindi na huhulihin.

Binangit niya na ang mga checkpoint ay inilagay upang paghigpitan ang pagkilos ng mga hindi nabakunahan dahil sa mabilis na pagtaas ng mga kaso ng Covid-19 na pinaniniwalaang sanhi ng mataas na transmissive na variant ng Omicron.

“Ang ating mga barangay captains at mga kapulisan ay magsasagawa ng mga checkpoints. Kung ikaw ay hindi bakunado, pauuwiin ka, ‘yun lang naman. Pero kung ikaw ay magre-resist ay talagang sapilitan kang iuuwi,’’ ayon kay Año said sa isang panayam sa telebisyon.

Gayunpaman, sinabi niya na ang pag-aresto sa mga lumalaban na hindi nabakunahan ng mga opisyal ng barangay ay dapat lamang maging huling paraan at kailangang ipatupad “sa loob ng mga hangganan ng batas”.

Samantala, nagbabala si Año na maaaring kasuhan ang mga gumagamit ng pekeng vaccination card.

“Yes. Pupuwede na siyang hulihin diyan sapagkat caught in the act siya na meron siyang dala dala na fake na document,’’ ayon kay Año.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo