PBBM bumisita sa Abra

0
215

Bumisita si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kanina sa lalawigan ng Abra na naapektuhan ng lindol upang suriin ang kalagayan ng mga apektadong mamamayan at magsagawa ng situation briefing kasama ang mga kinauukulang pambansa at lokal na opisyal.

Kasama ni Marcos sa kanyang pagbisita sa Abra sina Secretary Antonio Lagdameo Jr. (Special Assistant to the President), Benjamin Abalos Jr. (Local Government), Jose Faustino (Defense), at Erwin Tulfo (Social Welfare).

Sa briefing, hiniling ni Marcos sa mga lokal na opisyal ang update sa tulong na ibinigay nila sa mga biktima ng lindol.

Ipinag-utos ni Marcos kahapon ang agarang pagpapadala ng tulong sa mga taong naapektuhan ng malakas na lindol.

Sa press conference na ginanap noong Miyerkules ng hapon, nangako si Marcos na tutulungan ng gobyerno ang mga residenteng nawasak ang mga bahay sa malakas na lindol.

Sa ngayon, ayon  kay Marcos ay hindi pahihintulutan ng mga awtoridad ang mga tao na bumalik sa kanilang mga tahanan sapagkat isinasaalang-alang ang mga panganib na dulot ng aftershocks na maaaring tumagal ng ilang araw.

Dapat ipaliwanag ng mga awtoridad sa mga tao ang pangangailangang magsagawa ng masusing inspeksyon sa mga bahay at gusali bago sila payagang bumalik sa kanilang mga tirahan, ayon sa pangulo.

Nangako rin si Marcos na babantayan ang mga posibleng aftershocks at landslide kasunod ng magnitude 7 na lindol.

May kabuuang 227 aftershocks ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology kahapon. (PNA)

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo