PBBM: Isasali ang ang mga tricycle driver, operator sa fuel subsidy

0
380

Ipagpapatuloy ng gobyerno ang pagbibigay ng fuel subsidy para sa sektor ng transportasyon ngunit palalawakin ang programa para masakop ang mga tricycle driver at operator, ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sinabi ni Pangulong Marcos sa mga mamamahayag sa isang press briefing sa Malacañang na kabilang sa mga isyu na tinalakay sa unang pulong ng Gabinete ay ang pamamahala at pagkukunan ng pondo para sa karagdagang fule subsidy para sa nabanggit na sektor.

“We have enough budget I think to last for most of this — for this year and a little bit beyond. But we still have to find that money if we’re going to continue,” ayon sa kanya.

Magpapatuloy din ang Libreng Sakay program ng gobyerno ngunit para lamang sa mga mag-aaral sa kanilang pagbabalik sa paaralan ngayong Setyembre, ayon sa Pangulo.

“We’ll phase out dahil hindi namin kayang ipagpatuloy iyon. Pero libre ang sasakay ng mga estudyante sa LRT 2, na papunta sa university belt,” he noted.

Sa pakikipag-usap tungkol sa kanyang direktiba sa mga miyembro ng kanyang Gabinete, sinabi ni Pangulong Marcos na ang nais niya ay isang streamlined bureaucracy at mabilis na resulta.

“I give you a relatively free hand in deciding who you want to hire and how you want to change the structure of your department, if indeed that’s what you want to do. But do it soon because we have work to do and we have to get to work immediately,” ayon sa kanya. (PND)

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo