PBBM: Lansagin ang mga Private armies!

0
425

Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of National Defense (DND) na lansagin ang mga private armies, kaugnay ng kamakailang insidente ng ambush sa ilang lokal na opisyal ng pamahalaan.

Sinabi ni Defense chief  Carlito Galvez sa 11th oversight committee meeting ng National Task Force for the Disbandment of Private Armed Groups sa Cotabato na “more than ever, the fulfillment of our mandate is now made more urgent with the directive of Pesident Ferdinand R. Marcos Jr. to dismantle private armies and identify hotspots where local officials are being attacked.”

“As we journey towards freeing the Philippines from its long-running gun culture, rest assured that the DILG stands ready to render any necessary assistance for the attainment of our noble objective,” ayon naman kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos, tagapagsalita ng task force at sinabi na handa ang gobyerno na tumulong na palayain ang bansa mula sa long-running gun culture.

“Let us continue working together in tearing down the walls of divisiveness and animosity of partisan politics as we move towards giving our kababayans the peaceful and thriving communities they deserve,” dagdag pa niya.

Nagbigay ng kautusan ang Pangulo nang magsimula  ang high-profile investigation sa nangyaring paglusob ng mga armadong suspek na naging dahilan ng pagkamatay nina Negros Oriental Governor Roel Degamo at 8 provincial staff at constituents nito.

May 16 naman na katao kabilang na ang 3 provincial officials ang nasugatan sa gun attack sa bahay ng gobernador sa bayan ng Pamplona noong Marso 4.

Ipinag-utos ng Pangulo ang pagbuo ng joint military at police task force para tugisin ang natitirang suspek sa pagpatay kay Degamo.

Ayon sa mga ulat, biktima rin ng shooting incident sina Aparri, Cagayan vice mayor Rommel Alameda, Lanao del Sur Governor Mamintal Adiong Jr., at Datu Montawal, Maguindanao mayor Ohto Caumbo Montawal Kris Jose.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo