PBBM: Mahigit na 5,000 trabaho, inaasahan sa bagong pabrika ng Unilever sa Cavite

0
447

Ipinagdiwang ang inagurasyon ng bagong “beauty and wellbeing and personal care factory” ng Unilever sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa General Trias noong Biyernes.

“It is also worth mentioning that this plant is one of Unilever’s largest personal care facilities in the world and is expected to generate over 5,000 direct and indirect employment opportunities for our countrymen,” ayon sa bahagi ng talumpati ni Marcos.

Ayon sa Pangulo, ang bagong pasilidad ay isang “welcome development” sa layuning mapalakas ang sektor ng pagmamanupaktura, na makakatulong sa agarang paglikha ng mga trabaho at magbibigay daan sa mga kapaki-pakinabang na oportunidad para sa mga mamamayan.

“This manufacturing plant is projected to produce nearly 90,000 tons of various personal care products annually and this is to meet the growing domestic and export demand for Unilever products,” ayon pa sa kanya.

Dagdag pa ng Pangulo, ang bagong pasilidad ay bahagi ng mga pangako na kanyang nasundan noong kanyang naging byahe sa Belgium para sa ASEAN-EU Summit noong Disyembre 2022.

“To see this project come to fruition after just several months is not only encouraging, it also inspires me and the rest of the government to work even harder for the Filipino people,” ang pagtatapos ng Pangulo.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo