MAYNILA. Pipirmahan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang batas na magpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) upang mabigyan ng mas malaking atensyon ng Commission on Elections (Comelec) ang iba pang nakatakdang halalan ngayong taon.
Ayon sa Pangulo, ang rekomendasyon ay mula mismo sa Comelec na nagsabing limitado ang kanilang kakayahan na magsagawa ng sabayang paghahanda para sa BSKE at sa isa pang malaking halalan.
Nilinaw ni Marcos na ang pagpapaliban ay hindi paglabag sa desisyon ng Korte Suprema laban sa pagpapaikli ng termino ng mga barangay officials, dahil sa pagkakataong ito ay mas lalo pang mapapahaba ang kanilang panunungkulan.
“It’s not in conflict,” ani ng Pangulo, at idinagdag na ito ang “most sensible course of action” lalo na’t katatapos lamang ng midterm elections sa bansa.
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.






