PBBM sa ₱20 kada kilo na bigas: ‘Ginagawa namin ang lahat’

0
411

Inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na patuloy na ginagawa ng kanyang administrasyon ang lahat ng makakaya nito upang tuparin ang kanyang pangako na pababain ang presyo ng bigas sa P20 kada kilo, na ipinangako niya noong kampanya noong 2022.

Noong Lunes, Hulyo 17, kinumpirma ng Pangulo na hindi pa niya natutupad ang nasabing pangako. “Iyon pa rin ‘yung ating hangarin na ₱20 na bigas ay wala pa tayo roon pero ginagawa natin ang lahat,” ayon sa Pangulo sa kanyang talumpati matapos pirmahan ang Memorandum of Agreement para sa Kadiwa ng Pangulo kasama ang mga lokal na pamahalaan.

Ayon sa datos ng Department of Agriculture, sa ngayon, Hulyo 17, ang presyo ng bigas bawat kilogram ay nasa ₱36 hanggang ₱48.

Ipinaliwanag ng Pangulo na ang pagpapalawig ng Kadiwa ng Pangulo sa buong Pilipinas ay maaaring makatulong sa pagbaba ng presyo ng mga agricultural products dahil mawawala ang mga “middlemen” sa proseso ng pagbenta.

Dagdag pa niya, “Ang programa ng Kadiwa ay napakasimple lamang at tayo ay ginagawa natin ay pinalalapit natin sa magsasaka ang palengke. Kaya’t ‘yung mga middleman, ‘yung mga added cost ay binabawasan natin nang husto ‘yan. Sa ganyang paraan ay maipagbili natin ng presyo na mababa.”

Sa kabila ng kasalukuyang hamon sa pagpapababa ng presyo ng bigas, patuloy na tinitiyak ng Pangulo sa pagtiyak sa publiko na patuloy nilang pagtutuunan ng pansin at pagsisikapang tuparin ang nasabing pangako sa lalong madaling panahon.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.