PBBM sa mga LGU: Mag-set up ng mga common area para sa fireworks display

0
205

Pinayuhan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kahapon ang mga local government units (LGUs) na mag-set up ng common area sa kani-kanilang lokalidad para sa fireworks display sa Bagong Taon.

Ipinalabas ni Marcos ang panawagan upang mabawasan ang insidente ng firecracker-related injuries sa bansa.

“Ang gawin na lang natin ay I will enjoin the LGUs, instead of allowing our people to have their own firecrackers, gumawa na lang kayo ng magandang fireworks display para sa inyong mga constituent,” ayon sa kanya sa isang panayam matapos manguna sa pamamahagi ng he said in a chance aginaldo at livelihood aid sa mga bata at pamilya sa Maynila.

Hiniling din ni Marcos sa mga Pilipino na iwasan ang paggamit ng mga iligal na paputok upang maiwasan ang mga pinsala.

Ito aniya ay bilang babala laban sa mga panganib at epekto sa kalusugan ng walang ingat at walang pinipiling paggamit ng paputok.

Noong Martes, napansin ni Department of Health (DOH) officer-in-charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang pagbaba ng kaso ng mga pinsalang may kinalaman sa paputok sa bansa, at binanggit ang bilang nito noong mga nakaraang taon.

Nasa 122 kaso ng fireworks-related injuries ang naitala noong 2020 at 128 cases noong 2021, ayon kay Vergeire.

Nauna dito ay nagpaalala ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na huwag bumili ng mga iligal na paputok na nakakasama sa mga tao.

Kasalukuyang pinapalakas ng PNP ang kanilang pagsisikap na magsagawa ng cyber patrol, pagkumpiska at pagsira sa mga ipinagbabawal na paputok at pyrotechnics.

Layunin ng hakbang na matiyak na ang mga dealer, nagbebenta at manufacturer ng paputok at pyrotechnic ay sumusunod sa mga implementing rules and guidelines na nakasaad sa ilalim ng Republic Act (RA) 7183 at Executive Order (EO) 28.

Sa ilalim ng RA 7183, sinumang mahuhuling gumagawa, nagbebenta, namamahagi o gumagamit ng mga ilegal na paputok at pyrotechnic device ay mahaharap sa multang PHP20,000 hanggang PHP30,000, pagkakakulong ng anim na buwan hanggang isang taon, pagkansela ng lisensya at business permit at pagkumpiska ng mga stock ng imbentaryo.

Sa kabilang banda, ang EO 28 na inilabas noong 2017 ay naghahayag ng mas mahigpit na mga alituntunin at regulasyon sa paggamit ng mga paputok at iba pang pyrotechnic device upang maiwasan ang mga pinsala at casualty na naitatala bawat taon. (PNA)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.