PBBM: Walang magaganap na krisis sa bigas

0
177

“Walang magaganap na krisis sa bigas.” Ito ang tiniyak at iginiit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa isang panayam at sinabi na hindi niya nakikita ang posibilidad na kakapusin sa supply ng bigas ang bansa.

Ang tugon ng Pangulo ay sagot sa isang pahayag ng Federation of Free Farmers na maaaring magkaroon ng kakulangan sa bigas sa mga buwan ng kakapusan tulad ng nangyari noong 2018.

“No. I don’t. There is a chance na ninipis talaga ‘yung supply because nga noong magkasabay-sabay ‘yan,” ayon kay Marcos.

“So we are watching and waiting to see what the production levels are going to be after the last planting season before the harvest, for the upcoming harvest and what will be…” dagdag pa niya.

“Basta’t nag-harvest na tayo. Pagka umani na tayo, wala ng problema sa supply. It’s precisely as you mentioned. It is in the dry part where we are waiting for the last planting to be harvested,” ang pagtitiyak ni Marcos.

Sa ngayon ay hindi pa nakikita ang anumang problema sa supply pagkatapos ng harvest season, ngunit kailangan pa rin dagdagan ang buffer stock ng National Food Authority dahil mababa ito.

Ayon sa kanya, dahil sa mga nakaraang pangyayari tulad ng bagyo, lockdown, at pandemya, nasaid na ang buffer stock ng NFA.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.