Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pag suspinde ng trabaho sa mga opisina ng gobyerno at mga klase sa mga pampublikong paaralan sa National Capital Region, Cavite, Laguna, Rizal, Bulacan, Zambales, at Bataan ngayong araw hanggang Agosto 24, 2022 dahil sa Severe Tropical Storm Florita.
“President Ferdinand Marcos Jr. has declared a suspension of work and classes in all levels today until tomorrow, for all government offices and public schools, due to Severe Tropical Storm Florita,” ayon sa Office of the Press Secretary (OPS)
“Ang ganito ring paraan ng pagkilos para sa mga pribadong paaralan at opisina ay ipinauubaya sa pagpapasya ng kani-kanilang mga pinuno,” ayopn pa rin sa OPS..
Noong Lunes, hinimok ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles ang publiko na mag-ingat sa gitna ng mga pag-ulan, baha, pagguho ng lupa at iba pang panganib na kaugnay ng bagyong Florita.
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo