PBGEN Benjamin Santos, Jr., bumisita sa Laguna PPO

0
647

Sta. Cruz, Laguna. Binisita kahapon ni PBGen Benjamin D. Santos, Jr., Chief PNP Command Center ang Laguna Police Provincial Office (Laguna PPO) sa bayang ito.

Pinangunahan ni Santos ang pagbubunyag ng marker ng bagong command center at ng kakukumpuni pa lamang na flagpole ng Laguna PPO.

Kabilang sa dumalo sa unveiling sina PCOL Serafin Fortuno Petalio II, Provincial Director ng Laguna PPO, mga tauhan ng Laguna PPO at mga hepe sa nabanggit na PPO.

Pinapurihan ni Santos si Petalio sa aniya ay kapansin pansing mga proyekto na naisagawa sa Kampo Heneral Paciano Rizal gayon din ang matagumpay na kampanya nito laban sa droga at kriminalidad. “I commend PCOL Petalio for maintaining impressive cleanliness in this camp. I am very impressed in the cleanliness of Laguna PPO. For what I’ve been seen, malinis ang loob pati ang labas ng Kampo, kaaya-aya ito sa paningin ng ating mamayan at magandang impresyon not only to the Laguna PPO but in the whole PNP organization”, ayon kay Santos.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.