PCG: Employers sa HK na nagpauwi ng OFWs dahil nagka-Covid, mananagot

0
233

Nakatanggap na ng tulong ang lahat ng Pilipinong nangangailangan ng emergency aid sa Hong Kong, ayon ng Philippine Consulate General sa gitna ng ika-limang wave ng Covid-19 sa nabanggit na bansa. 

Ayon sa ulat nitong weekend, nagsumbong ang ilang mga empleyadong Pilipino na tinanggal sila ng kanilang mga amo matapos silang tamaan ng sakit na Covid-19 kaya anila hindi sila nakapasok sa mga ospital dahil sa kawalan ng work visa habang ang iba ay napilitang matulog sa labas.

“Iyong mga walang pusong employer po na nagka-sakit na nga ‘yong ating mga kababayan tinerminate pa, pananagutin natin sila sapagkat labag sa batas ng Hong Kong iyong mag-terminate ng maysakit na empleyado. Sa madaling salita hahabulin natin sila at pananagutin,” ayon sa kanya.

Sa isang panayam kay Consul General Raly Tejada kahapon, nangako siya na hahabulin nila ang mga employer na nagpalayas sa mga nagkasakit ng OFW at sinabing iligal ang batayan pagkakatanggal sa kanila.

“The PCG in Hong Kong wishes to assure the Philippine community in Hong Kong that all Filipinos needing emergency assistance due to the recent surge of Covid-19 cases in Hong Kong have been accounted for and assisted,” ayon sa Consulate said sa advisory na ipinadala sa the Department of Foreign Affairs (DFA) kanina.

Iniulat ng konsulado na hindi bababa sa 23 Pilipino ang humiling ng tulong para sa magpa-ospital matapos masuri at lumabas na positibo habang papunta sa airport, habang nasa mga boarding house, o kasama ang kanilang mga amo.

“Through the intervention of the PCG and in collaboration with non-government organization friends and the Hong Kong Labor Department, they are now safe and staying in an isolation facility,” ayon pa rin sa konsulado.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.