PCOL Campo, nanguna sa booster dose vax program ng Laguna PNP

0
421

Sta. Cruz, Laguna. Nabigyan ng booster dose ang 157 na pulis sa Laguna sa ilalim ng Covid-19 Booster Dose program na isinagawa sa pagtutulungan ng Laguna Police Office at ng Regional Medical and Dental Unit.

Pinangunahan ni Police Colonel Rogarth B. Campo ang nabanggit na booster dose program sa Camp Paciano Rizal sa Brgy. Bagumbayan sa bayang ito kaninang umaga.

Kasabay nito, hinimok ni Pcol Campo ang mga pulis sa Laguna na magpa booster dose sa ilalim ng mga vaccination programs ng mga local government units sa kani kanilang lugar. “Manguna po tayo sa pagpapa bakuna para ating maprotektahan ang ating sarili gayundin ang ating mga mahal sa buhay at ang publiko laban sa virus at variants nito habang tayo ay nagbibigay ng serbisyong tama at may malasakit,” ayon kay Campo.

Nanguna si PCOL Rogarth B. Campo sa pagkuhaa ng booster jab sa ilalim ng Covid-19 Booster Dose Progam ng Laguna PNP. Photo Credits: Roy Tomandao

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.