PCOL Campo: Seryoso ang PNP Laguna sa pagsugpo ng iligal na tupada

0
641

27 magsasabong, huli sa aktong nagtutupada sa magkakabukod na anti-illegal gambling ops ng Laguna PNP

Sta. Cruz, Laguna.  Inaresto ang 27 magsasabong sa magkakabukod na anti-illegal gambling operations na  isinagawa sa lalawigan ng Laguna, ayon sa report ni Laguna Police Provincial Office, Acting Provincial Director, PCOL Rogarth B. Campo kay Calabarzon Regional Director PBGEN Eliseo DC. Cruz, kahapon, Enero 23, 2022.

Dinakip ng mga tauhan ng Santa Rosa City Police Station sa pamumuno ni Chief of Police PLTCOL Paulito M. Sabulao sina Ronnie Baryata Pelar, 60 anyos; Felix Asuncion Cerat, 70 anyos; Edrian Andaya Alto, 33anyos; Herbert Alimor Apolinar, 33 anyos; Marlon Calvendra Alcoreza, 41 anyos; Jason Mangubat Clamana, 24 anyos; Jeremiah Mangubat Clamana, 22 anyos; Gilbert Malapas Naranjo, 47 anyos; Joseph Vicente Oliva, 27 anyos; Efren Dellion Samosa, 27 anyos at Reynante Castro Abejero, 51 anyos, pawang mga residente ng Santa Rosa City, Laguna. Sila ay nahuli sa aktong nagsasagawa ng ilegal na sabong o tupada.

Nakumpiska sa mga suspek ang 4 na manok na panabong, 4 na tari at perang pantaya na nagkakahalaga ng Php 5,800.00

Nadakip din sa aktong nagtutupada ng mga elemento ng Calamba City Police Station sa pangunguna ni Chief of Police PLTCOL Arnel L. Pagulayan sina Ariel Madruna y Hernandez, 56 anyos na driver, Jerwin Lomugda y Bañez, 44 anyos na construction worker, Jerlino Lopera y Pinatios, 50 anyos na vendor; Aurencio Raso y Delera, 45 anyos; Avelino Allayban y Galapon, 37 anyos; Florencio Manarez y Hemedes, 61 anyos; Anecito Gordo y Cabacan, 58 anyos; Rosalino Rejado y Delera, 54 anyos; Herbert Eullaran y Napala, 64 anyos at Rudy Canalis y Escote, 50 anyos, pawang mga naninirahan sa Brgy. Kay Anlog, Calamba City. Nakuha sa kanila ang apat na fighting coks at perang pamusta na Php 1,650.00

Sa isa pang bukod operasyon, nahuli din ng Calamba SPS sina Arvin Mamino y Contreras, 38 anyos a tubero at Antonio Valera y Ballatan, 28 anyos na helper at mga residente ng Brgy. Real, Calamba City. Nakuha sa kanila 2 panabong na manok at perang pantaya sa tupada.

Sa isa pang anti-illegal gambling operations ay nasakote sa aktong nagtutupada ng mga tauhan ni San Pablo City Police Station Chief Garry C. Alegre sina Herardo Belen Sorezo, 57 anyos; Christopher Lee Balcita, 34 anyos na driver; Arwin Laluon Padura, 35 anyos na welder; Renato Ocampo Alivia, 67 anyos na pawang mga residente ng San Pablo City, Laguna. Nakumpiska sa mga suspek ang perang pamusta na Php 2,200 at dalawang manok na pantupada.

Ang mga nadakip na illegal gamblers ay nakapiit sa mga nakakasakop na police station at nakatakdang kasuhan ng paglabag sa PD 1602.

“We in Laguna PNP are serious about suppressing illegal cockfighting or tupada, we will not get tired of stopping our operations against illegal gambling,” ayon sa mensahe ni PCOL Campo.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.