PCOL Cecilio Ison Ramos, Jr. itinalaga bilang bagong Laguna Police Provincial Director

0
590

Calamba City, Laguna. Itinatalaga bilang bagong Police Provincial Director ng Laguna si PCOL Cecilio Ison Ramos, Jr. kanina, sang ayon sa utos ni Police Regional Director Calabarzon Antonio C. Yarra.

Si Ramos ay dating hepe ng Office of the Regional Personnel and Records Management Division (ORPRMD-RPHAS) sa Police Provincial Office 4A Calabarzon.

Humalili siya kay PCOL Rogarth Campo na na-relieve matapos isangkot ni Atong Ang sa diumano ay pakikipag sabwatan laban sa kanya ng iba pang stakeholder ng e-sabong sa ginanap sa Senate hearing hinggil sa nawawalang 38 sabungero.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.