Pcol Ison, pormal na itinalaga ni Yarra bilang bagong Laguna chief PNP

0
592

Pinangungunahan ng PRO 4A Regional Director, PBGEN Antonio C. Yarra ang Turn-over of Command sa pagitan ng Outgoing Provincial Director, PCol Rogarth B. Campo, at Incoming Provincial Director, PCol Cecilio R. Ison, Jr., kahapon, Marso 25, 2022, sa Camp Gen Paciano Rizal, Brgy Bagumbayan Sta Cruz, Laguna.

Si PCol Ocampo ay nagsilbi bilang pinakamataas na pulis ng lalawigan ng Laguna sa loob ng halos 5 buwan at nakagawa ng maraming tagumpay at nagpasimula ng maraming proyekto sa Laguna PPO. 

“To PCOL Rogarth B Campo, we recognized your vast contribution in leading the men and women of Laguna PPO. I know that each position we handle is not an easy feat, but as we went on, we have to take responsibility it entails no matter the challenges along the way and I am thankful that with your short period of time, you have shown us what you are capable of, and with that, we couldn’t be prouder of what you have achieved so far. Thank you for your service to the people of Laguna Province,” ayon sa mensahe ni Yarra.

Samantala, hinihimok ng Regional Director ang Incoming Provincial Director na si PCol Ison na pamunuan at gabayan ang mga kalalakihan at kababaihan ng Laguna PPO tungo sa mga mithiin ng 4A’s sa pamamagitan ng pagbuo ng Aptitude, sa pamamagitan ng pagkakaroon ng tamang Attitude, pagsasagawa ng maagang Aksyon, at pagharap sa Accountability.

“Tulungan ninyo ang inyong mga lider dahil ang tungkulin natin bilang mga alagad ng batas ay hindi kakayanin ng isang tao lamang. Ang ating tagumpay ay nakadepende sa inyong pagpupursigi sa trabaho, ang inyong commitment, ang inyong kakayahan, pati na rin ang disiplina ang tanging sandata natin sa araw-araw nating pagseserbisyo. Bear this in mind, at sigurado akong hindi kayo maliligaw ng landas,” ang pagtatapos ni Yarra.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.