PCOL Kraft: Makakaasa ang lahat sa ligtas at maayos na Balik-Eskwela

0
583

Binisita ni PCOL Kirby John Brion Kraft, Acting Southern Police District Chief, kasama si PCOL Harold P. Depositar, hepe ng Makati City Police Station at PCOL Cesar G. Paday-os, hepe ng Pasay City Police Station ang Mataas na Paaralan ng Kuta Bonifacio, University of Makati, Paaralang Elementarya ng Guadalupe Viejo, Jose Rizal Elementary School sa Pasay City, kahapon at sinuri ang kalagayan at pinag aralan ang mga paghahanda sa pagdagsa ng mga mag-aaral at mga magulang sa unang araw ng face-to classes.

Nanguna sa pakikipag diyalogo sa punong-guro ng paaralan at security ng mga paaralan si Kraft at tiniyak na gagawin ng Southern Police District (SPD) ang lahat upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng mag-aaral, guro at publiko sa unang araw ng klase para sa School Year 2022-2023.

Samantala, isinagawa din ang information drive at distribusyon ng mga materyales ng Information, Education at Communications (IEC) upang turuan ang mga estudyante sa pag-iwas sa krimen gaya ng Balik Eskwela Safety Tips, End Local Communist Armed Conflict (ELCAC), at RA 8353 “Anti-Rape Law of 1997.” Kasama rin sa flyers ang SPD Police Hotline Numbers sa pamamagitan ng QR Code na isang madaling paraan sa pag uulat ng mga kahina hinalang tao o ilegal na aktibidad.

Ipinaalala rin sa lahat  ang mga health safety protocols tulad ng pagsusuot ng facemask, madalas na paghuhugas ng kamay at pagsunod sa physical distancing.

“Welcome back to school sa lahat ng mag aaral. Ang PNP po ay masusing naghanda para sa napakakapana-panabik na araw na ito, ang unang araw ng face-to-face classes pagkatapos ng mahigit na dalawang taon. Makatitiyak po kayo na ang mga estudyante, guro, at mga magulang magiging ligtas sa maayos at mapayapang kapaligiran. Gagawin po ng kapulisan ang lahat upang maitaguyod ang ligtas na pagbabalik-eskwela ng ating mga mag aaral,” ayon kay Kraft.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.