PDP Laban nagpahayag ng suporta sa Frontliners Ang Bida Party list

0
358

Nagpasalamat ang Frontliners Ang Bida Partylist sa Partido Demokratiko Pilipino (PDP)-Laban coalition party ni Energy Secretary Alfonso Cusi kasama ang pitong senatorial candidates sa pagsuporta sa kanila bilang ang tanging tatlong partylist sa ilalim ng political wing nito.

Sa proklamasyon noong Sabado sa Jose F Diaz Stadium, kinilala ng PDP-Laban ang Frontliners Ang Bida Partylist #111, Sandugo Partylist #77 at Ako OFW Partylist #10 bilang mga tanging partylist ng political party ni Pangulong Rodrigo Duterte sa presidential elections sa Mayo 9.

“The Frontliners shares the same principles and political ideology of the PDP-Laban of President Rodrigo Duterte and Sec. Al Cusi, so it is really a great honor to join them including the seven senators in the proclamation night. There’s nothing political here but our beliefs are just the same. And we are happy to be considered,” ayon kay Jayke Joson, first nominee ng  Frontliners Ang Bida Partylist.

Bago ginanap ang gabi ng proklamasyon na itinanghal ni San Mateo Mayor Cristina Diaz, ang dating aktor at film producer na si Joson at ang Frontliners Ang Bida Partylist ay nagsagawa ng isang oras na motorcade sa paligid ng San Mateo Rizal.

Libu-libong tagasuporta sa buong San Mateo Rizal ang bumati sa Frontliners Ang Bida Partylist habang binabagtas nito ang mga lansangan at pangunahing kalsada kasama ang mga miyembro ng PDP-Laban, iba pang kandidato, at mga tagasuporta.

“PDP-Laban of President Duterte is the only political party that really cares for our frontliners during the pandemic, the one who really cares for the welfare of the masses,” Joson added. “We are very happy to be acknowledged as part of their family. Our frontliners are very proud,” ayon kay Joson.

Ipinahayag din ng PDP ang pitong senatorial candidates nito sa pangunguna ng mga ex-Cabinet secretaries na sina Salvador Panelo, Greco Belgica, John Castriciones at Energy Undersecretary Astra Pimentel, broadcaster Rey Langit at aktor Robin Padilla.

“These candidates will give continuity to the good programs of the current administration which is beneficial to our frontliners, the doctors, nurses, medical staff, soldiers, police, barangay workers and food delivery boys, among others, in the long run,” dagdag pa ni Joson.

Binigyan diin ni Joson na ang kanilang 11-point agenda ay para sa pagpapatuloy ng pakikipaglaban sa mga katiwalian; pagpuksa ng kahirapan; pagtataguyod ng kapayapaan at kaayusan; paglabas sa pandemya; gapiin ang komunistang terorismo; pagpapanatili ng paglago ng ekonomiya; paglikha ng mga trabaho; pagpapalakas ng pambansang depensa at foreign relations; mga repormang pang-edukasyon; desentralisasyon at pagbibigay kapangyarihan sa lokal na pamahalaan; charter change at Federalism.

Layunin din ng Frontliners Ang Bida Partylist na itulak ang double hazard pay, tax-free allowance, libreng insurance policy para sa lahat ng frontliners at ang pagtatanggal ng no pay, no work policy para sa mga may sakit na frontliners.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.