Peace talks sa pagitan ng mga opisyal ng Russia at ng delegasyon ng Ukraine, nakatakda

0
204

Nakatakdang magpulong ang mga opisyal ng Russia at ang delegasyon ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa isang lugar na malapit sa Pripyat River sa Belarus.

Nauna nang iminungkahi ng Russia na isagawa ang pag-uusap sa Gomel, isang lungsod ng Belarus malapit sa border ng Ukraine.

Hindi tinukoy sa tugon ng Ukraine kung kailan magaganap ang pulong.

Kasabay nito, sinabai ng tanggapan ni Zelensky na nangako si Belarusian President Alexander Lukashenko na ang lahat ng mga eroplano, helicopter at missile na nakatalaga sa Belarus ay mananatili sa lupa sa panahon ng paglalakbay, pag-uusap at pagbabalik ng delegasyon ng Ukraine, ayon sa ulat ni Frank Langfitt ng NPR.

Samantala, iniutos ni Vladimir Putin na ilagay sa high alert ang mga nuclear deterrence forces ng Russia.

Sinabi ng pangulo ng Russia na ang mga agresibong pahayag ng mga pinuno ng NATO at mga parusa sa ekonomiya laban sa Moscow ang nasa likod ng desisyon.

Ang nabanggit na utos ay  nagpapataas ng pangamba na ang pagsalakay sa Ukraine ay maaaring humantong sa nuclear war, sinadya man o aksidente.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.