Pediatric vaccination pilot run, isinagawa sa Batangas

0
292

Batangas City. Isinagawa sa Batangas Medical Center sa lungsod na ito ang symbolic pediatric vaccination program para sa mga edad 12 hanggang 17 na may comorbidities noong Oktubre 29.

Nakatakdang isagawa ang aktwal na pediatric vaccination rollout sa unang linggo ng Nobyembre. Samantala, ipinaaalala ni Batangas Provincial Health Officer, Dr. Rosvilinda Ozaeta na bago magpabakuna ay tiyakin muna na may medical clearance, informed consent ng magulang o guardian at assent o pagsang ayon ng batang babakunahan.

Mahalaga din ayon kay Ozaeta na makipag ugnayan muna sa lokal na pamahalaan at magtanong kung maaari ng magparehistro para sa pediatric vaccination program.

Ayon naman kay Batangas Governor Dodo Mandanas, ang nabanggit na inisyatibong ay bahagi ng mga programa ng Batangas provincial government upang makamit ang herd immunity sa nabanggit na lalawigan.

Ang isinagawang pilot run ng bakunahan ay itinaguyod na Department of Health (DOH) – Center for Health Development CALABARZON, Batangas Provincial DOH, Batangas Provincial Health Office, Batangas City Health Office, at Batangas Medical Center.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.