Pediatric vaccine rollout, isinagawa sa Doctors Hospital kaninang umaga

0
754

San Pablo City. Binakunahan ang 204 na batang may comorbidities sa San Pablo Doctors Hospital sa lungsod na ito kanina, sang ayon sa direktiba ng Department of Health (DOH) hinggil sa pediatric vaccination rollout na ipapatupad ng mga local government unit sa buong bansa.

Ang nabanggit na pediatric vacciation rollout ay pinamunuan ni Dr. Cristeto Azucena, pangulo ng San Pablo Medical Society, kasama sina Dra.Belen Chumacera, Dra.jennifer Flores, Dr.Teody Celino, at Dra. Rowena Azucena.

Ang mga LGU vaccination sites at mga pribadong ospital ay dumaan muna sa inspeksyon ng DOH bago pinayagan na magsagawa ng pediatric vaccination procedure, ayon kay Secretary Carlito Galvez Jr., chief implementer of the National Task Force (NTF) Against Covid-19.

Kasabay nito, ipinag utos ni PNP Chief General Guillermo Eleazar sa lahat ng police unit sa bansa na makipagtulungan sa mga LGU upang makapag taguyod ng maayos at ligtas na vaccination sites para sa mga batang edad 12 hanggang 17.

“I have tasked police chiefs and unit commanders to maintain close coordination with LGU officials so that they will know what assistance police personnel can provide. Kailangang masiguro na masusunod ang health protocols kung ito ay gagawin sa mga vaccination sites at para hindi ito maging super spreader event (Health protocols must be followed if it will be done in the vaccination sites so that it will not become super spreader event),” ayon kay Eleazar.

Samantala, sinabi naman ni Dr. Azucena na naging maayos ang daloy na 204 na pasyente sa isinagawang bakunahan sa nabanggit na ospital kanina.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.