Pekeng dentista arestado sa Batangas sa isang entrapment operation

0
68

BATANGAS CITY. Arestado ang isang hinihinalang pekeng dentista sa isinagawang entrapment operation sa kanyang tahanan sa Sitio Tubigan, Matabungkay, Lian, Batangas, ayon sa ulat ng mga awtoridad.

Ang operasyon ay isinagawa sa tulong ng Criminal Investigation and Detection Group-Batangas (CIDG-Batangas), katuwang ang Batangas City Dental Chapter (BCDC) at ang Philippine Dental Association (PDA), matapos ang ulat hinggil sa ilegal na gawain ng suspek.

Ayon sa imbestigasyon, ang suspek ay sangkot sa ilegal na pagsasagawa ng propesyon bilang dentista at umano’y nag-aalok ng dental services at produkto sa murang halaga kahit hindi ito lisensyado. Ipinapatakbo niya ang kanyang “clinic” sa Barangay Malitam, Batangas City, na walang kaukulang permit o lisensya mula sa Professional Regulation Commission (PRC).

Dinala na ang suspek kasama ng mga nakumpiskang ebidensya sa opisina ng CIDG-Batangas para sa dokumentasyon at karampatang disposisyon.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9484 o ang Philippine Dental Act of 2007, na nagbabawal sa sinumang hindi rehistrado at walang lisensya na magsagawa ng dental practice sa bansa.

Patuloy ang paalala ng mga dental association sa publiko na tiyaking lisensyado ang kanilang mga pinupuntahang dentista upang makaiwas sa panganib sa kalusugan.

Author profile
Dr. Jeffrey Montoya Sumague, DMD

Dr. Jeffrey Montoya Sumague, DMD, FPFA, a distinguished Doctor of Dental Medicine, combines clinical excellence with a passion for community engagement. A graduate of Centro Escolar University in Manila, Dr. Sumague specializes in Orthodontics, Cosmetic Dentistry, and Craniocervical Craniosacral TMJ. His leadership is evident through his role as past President of the Philippine Dental Association San Pablo City Chapter and as a dedicated member of JCI 7 Lakes.

Beyond his dental practice, Dr. Sumague is a multifaceted individual. As a Fellow of the Pierre Fauchard Academy and a Professor at Centro Escolar University, he remains committed to advancing the field of dentistry. His ability to connect with audiences is showcased through his work as a social media influencer, radio DJ/anchor for J101.5 FM Big Radio, and former correspondent for Isyu Balita. He now contributes to Tutubi News Magazine, sharing his diverse perspectives with a wider audience.

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.