Pekeng dentista, arestado sa Cavite

0
1213

Trece Martires, Cavite. Arestado ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) – Cavite ang isang babae na nagpapanggap na lisensyadong dentista sa bayang ito noong Biyernes, Nobyembre 4.

Kinilala ang suspect na si Syrah Rodriguez, isang dentistry student at residente ng Brgy. Inocencio, sa nabanggit ding bayan.

Natanggap ng CIDG-Cavite ang reklamo mula sa mga opisyal mismo ng Philippine Dental Association (PDA) laban sa suspek.

Sa panayam ng Bitag Multimedia Network kay Dr. Narisa Ragos, Deputy Chairman Campaign Against Illegal Practice Philippine Dental Association, hindi maaaring magtayo ng klinika o magsagawa ng dental procedure ang isang dentistry student.

Dagdag pa ni Dr. Ragos, delikado na sumailalim ang isang pasyente sa sa mga dental procedures sa kamay ng mga nagpapanggap na lisensyadong dentista.

“Maaring ma-compromise ang dental health ng mga pasyente at posibleng mag cause ng permanent damage sa oral cavity,” ayon kay Dr. Ragos

Ayon sa PDA, nasa mahigit 50 kaso na ng mga illegal practitioners ang ipinaaresto nila dahil sa pagpapanggap na professional practitioners.

Nakatakdag humarap sa kasong paglabag sa Republic Act 9484 Philippine Dental Act of 2007 ang suspek.Payo ng PDA sa publiko, tiyakin na nakapaskil ang certificate of registration mula sa Professional Registration Commission (PRC) ang klinika. Maaari rin bumisita sa www.prc.gov.ph upang makita kung lisensyado ang isang dentista.

Author profile
Dr. Jeffrey Montoya Sumague, DMD

Dr. Jeffrey Montoya Sumague, DMD, FPFA, a distinguished Doctor of Dental Medicine, combines clinical excellence with a passion for community engagement. A graduate of Centro Escolar University in Manila, Dr. Sumague specializes in Orthodontics, Cosmetic Dentistry, and Craniocervical Craniosacral TMJ. His leadership is evident through his role as past President of the Philippine Dental Association San Pablo City Chapter and as a dedicated member of JCI 7 Lakes.

Beyond his dental practice, Dr. Sumague is a multifaceted individual. As a Fellow of the Pierre Fauchard Academy and a Professor at Centro Escolar University, he remains committed to advancing the field of dentistry. His ability to connect with audiences is showcased through his work as a social media influencer, radio DJ/anchor for J101.5 FM Big Radio, and former correspondent for Isyu Balita. He now contributes to Tutubi News Magazine, sharing his diverse perspectives with a wider audience.