Pekeng dentista arestado sa Quezon

0
292

MAUBAN, Quezon. Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang pekeng dentista sa isang entrapment operation sa Barangay San Lorenzo sa bayang ito noong Miyerkules, Hulyo 24.

Ang suspek ay kinilalang si Conrado Moreno, kilala rin sa alyas na Rady. Nakakuha ng impormasyon ang NBI-Lucena City na si Moreno ay sangkot sa ilegal na praktis ng dentistry sa kanyang tahanan na nagsisilbing klinika rin. Gumagawa siya ng kumpletong denture at removable partial dentures para sa kanyang mga pasyente.

Kumpirmado ang mga aktibidad ni Moreno, kaya isinagawa ang isang entrapment operation. Nahuli ang suspek matapos tumanggap ng marked money mula sa isang poseur-patient habang siya ay nasa proseso ng paga-administer ng anesthesia at pagbubunot ng ngipin.

Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC), walang balidong certificate of registration at professional identification card sa dentistry si Moreno. Hindi rin siya nakalista sa roster ng mga rehistradong dentista sa Pilipinas.

Nahaharap si Moreno sa kasong paglabag sa Republic Act 9484 (Philippine Dental Act of 2007).

Author profile
Dr. Jeffrey Montoya Sumague, DMD

Dr. Jeffrey Montoya Sumague, DMD, FPFA, a distinguished Doctor of Dental Medicine, combines clinical excellence with a passion for community engagement. A graduate of Centro Escolar University in Manila, Dr. Sumague specializes in Orthodontics, Cosmetic Dentistry, and Craniocervical Craniosacral TMJ. His leadership is evident through his role as past President of the Philippine Dental Association San Pablo City Chapter and as a dedicated member of JCI 7 Lakes.

Beyond his dental practice, Dr. Sumague is a multifaceted individual. As a Fellow of the Pierre Fauchard Academy and a Professor at Centro Escolar University, he remains committed to advancing the field of dentistry. His ability to connect with audiences is showcased through his work as a social media influencer, radio DJ/anchor for J101.5 FM Big Radio, and former correspondent for Isyu Balita. He now contributes to Tutubi News Magazine, sharing his diverse perspectives with a wider audience.