Pekeng dentista sa Quezon inaresto ng CIDG

0
382

Candelaria, Quezon. Arestado ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang 70 taong gulang na lalaki sa aktong nagsasagawa ng trabaho ng isang dentista sa isang pasyente sa Brgy. Pahinga Norte, Candelaria Quezon, kamakalawa.

Kinilala ni PMajor Harold Landicho, deputy chief ng Quezon CIDG, ang suspect na si Ornulfo Rondero na residente ng naturang lugar.

Ayon kay Landicho, si Rondero ay isinumbong sa kanilang tanggapan ng Quezon dental Association hinggil sa illegal na pagpa-practice nito ng pagbubunot at paglilinis ng ngipin.

Sa pahayag ng ilang pasyente na nabiktima, kinabahan na sila ng puntahan nila ang clinic ni Ronderon na nasa isang kubo at walang mga dental required hygiene kit. Dahil sa tripleng mura ng presyo ng singi, diumano ay napilitan silang pumayag sa alok nito.

Sinab ni Landicho na wala sa listahan ng Philippine Regulation Commision si Rondero na magpapatunay na isa itong lisensyadong dentista. 

Sa isinagawang raid sa dental clinic ng suspect, tumambad sa mga tauhan ng CIDG ang napakaraming dental equipment at mga tabo na nagsisilbing lagayan ng mga instrumento na ginagamit sa illegal nitong gawain.

Ang suspect ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa R.A 9474 o illegal practice of dentistry.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.