Pekeng dentista timbog sa Laguna

0
871

Calamba City, Laguna. Inaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang lalaki na nag-practice ng dentistry na walang lisensya sa lalawigan ng Laguna.

Sa isang pahayag kanina, sinabi ni CIDG chief, Brig. Gen. Ronald Lee, na ang suspek na si Lee Francis Boneo, 41 anyos, ay nahuli sa isang entrapment sa Brgy. Looc, Calamba City noong Nobyembre 29.

Sinabi ni Lee na nakatanggap ang CIDG ng impormasyon na ang suspek ay nagpapatakbo ng isang klinika na matatagpuan sa tabi ng Calamba River.

Agad namang nagsagawa ng surveillance ang CIDG at sinuri ang katotohanan ng ulat kung saan nagpanggap na kliyente ang mga operatiba at nakipagpulong sa suspek upang bumili ng pustiso.

Pagkatapos kunin ang mga sukat para sa mga pustiso, ang partial na bayad ay tinanggap ng pekeng dentista.

Nang maramdaman ng suspek na pulis ang kanyang mga kliyente, sinubukan niyang tumakas sa pamamagitan ng pagtakbo patungo sa ilog ngunit dahil hindi siya marunong lumangoy, huminto si Boneo kung kaya at makorner siya ng mga pulis at naaresto.

Nakumpiska sa operasyon ng pulisya ang iba’t ibang kagamitan at materyales sa dentistry kabilang ang buy-bust money.

Lumalabas din sa talaan ng CIDG na si Boneo ay inaresto na ng lokal na pulisya dahil sa paglabag sa Republic Act 10591 at alarm and scandal noong Hunyo 2015 at dahil sa kaso sa droga noong Setyembre at kamakailan ay nakalabas mula sa pasilidad ng Bureau of Jail and Management Penology sa Lungsod ng Calamba.

Isang criminal complaint para sa paglabag sa RA 9484 o Philippine Dental Act of 2007 ang isasampa laban sa suspek.

Author profile
Dr. Jeffrey Montoya Sumague, DMD

Dr. Jeffrey Montoya Sumague, DMD, FPFA, a distinguished Doctor of Dental Medicine, combines clinical excellence with a passion for community engagement. A graduate of Centro Escolar University in Manila, Dr. Sumague specializes in Orthodontics, Cosmetic Dentistry, and Craniocervical Craniosacral TMJ. His leadership is evident through his role as past President of the Philippine Dental Association San Pablo City Chapter and as a dedicated member of JCI 7 Lakes.

Beyond his dental practice, Dr. Sumague is a multifaceted individual. As a Fellow of the Pierre Fauchard Academy and a Professor at Centro Escolar University, he remains committed to advancing the field of dentistry. His ability to connect with audiences is showcased through his work as a social media influencer, radio DJ/anchor for J101.5 FM Big Radio, and former correspondent for Isyu Balita. He now contributes to Tutubi News Magazine, sharing his diverse perspectives with a wider audience.