Pekeng gamot kinumpiska ng Laguna PNP: 2 distributor arestado

0
373

Bay, Laguna. Inaresto ng Laguna PNP sa bayang ito ang dalawang suspek na nagbebenta ng pinagdududahang mga pekeng gamot, ayon sa ulat ni Laguna Police Acting Provincial Director PCOL Rogarth B. Campo kay Calabarzon Regional Director PBGEN Eliseo DC Curz kanina.

Sa ilalim ng operasyon na isinagawa ng Bay Municipal Police Station sa pamumuno ni PMaj Jameson E. Aguilar at ng Provincial Intelligence Unit of Laguna Police Provincial Office, arestado sina  Johnell Onieza Lilia, 37 anyos na tricycle driver at Jerim Grace Perez Blanko, 29 anyos kasama ang kanyang live-in partner na pawang mga residente ng Brgy. San Antonio sa nabanggit na bayan.

Ang mga suspek ay inaresto matapos magbenta ng Bio-flu, Paracetamol/Ibuprofen at Alaxan FR sa mga pulis na nagpanggap na kostumer, ayon sa report.

Nakumpiska ng mga pulis sa kanila ang mga gamot na hinihinalang huwad kagaya ng Medicol Advance, Decolgen Forte,Neozep Forte, Bio-Flu, Tuseran Forte, Flanax, Tuseran Forte, Mefenamic Acid Dolfenal, Mefenamic Acid Gardan, Decolgen Forte at maraming iba pang brand ng hinihinalang pekeng gamot.

Ang mga dinakip ay hindi nakapagpakita ng mga dokumento na magpapatunay sila ay awtorisadong magtinda ng mga gamot. Dadalhin sa Food and Drug Administration ang mga kinumpiskang gamot upang suriin.

“Hindi natin papayagan na makapagsamantala ang mga ilegal na nagbebenta ng hinihinalang pekeng gamot, lalo ng ngayong panahon ng pandemya. Kaagapay ninyo ang buong pwersa ng Pulis Laguna upang siguraduhin na hindi makakalusot ang mga ganitong uri ng illegal na maaring magdulot ng kapahamakan sa kalusugan ng publiko,” ayon kay PCOL Campo.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.