Permanent validity ng birth, marriage, death cert inaprubahan ng Senado

0
332

Hindi na kailangang gumastos at kumuha ng brith certificate at marriage certificate para sa bawat layunin matapos aprubahan ng Senado noong Lunes sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang nagbibigay ng permanenteng validity sa birth, death, at marriage certificates.

Sa botong 21-0-0, inaprubahan ng mga senador ang Senate Bill 2450 o ang Permanent Validity of the Certificates of Live Birth, Death, and Marriage Act.

Sa ilalim ng SB 2450, ang mga certificate ng live birth, kamatayan, at kasal na inisyu, nilagdaan, pinatunayan o pinatotohanan ng Philippine Statistics Authority at ang hinalinhan nito na National Statistics Office, at ang mga local civil registries  ay dapat magkaroon ng permanenteng bisa anuman ang petsa ng pagpapalabas at dapat kilalanin at tanggapin sa lahat ng gobyerno o pribadong transaksyon o serbisyo na nangangailangan ng pagsusumite nito, bilang patunay ng pagkakakilanlan at legal na katayuan ng isang tao.

Ang panukalang batas, gayunpaman, ay nag-aatas na ang dokumento ay dapat “nananatiling buo, nababasa, at nakikita pa rin ang pagiging tunay at mga tampok ng seguridad,” at walang pangangangan sa isang administratibo at hudisyal na pagwawasto na maaaring isagawa alinsunod sa Republic Acts No 9858, 9048, 10172, at 9255.

Dagdag pa, nakasaad sa panukalang batas na ang permanenteng validity ng Certificates of Marriage ay naaangkop “”only in an instance where the marriage has not been judicially decreed annulled or declared void ab initio as provided for under the Family Code of the Philippines or any subsequent amendatory law on marriage.” (SOP)

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo