Person of interest sa hazing death, nagbigti

0
534

Isa sa mga persons of interest na na-tag sa pagkamatay ng biktima ng hazing na si John Matthew Salilig ay kumpirmadong nagpakamatay noong Pebrero 28, nang araw din na natagpuan ng mga awtoridad ang bangkay ni Salilig sa isang mababaw na libingan sa Imus, Cavite, ayon kay Laguna Provincial Police Office Director Col. Randy Glen Silvio kahapon.

“Reported na patay na yung isang person of interest by hanging,” ayon kay Silvio.

Sinabi ni Silvio na ang person of interest ay namatay noong Pebrero 28, sa araw ding natagpuan ang bangkay ni Salilig kasabay ng pagputok ng mga balita sa mga media outlet.

Kinumpirma din ni Biñan City Police Station (CPS) acting chief Lt. Col. Virgilio M. Jopia na ang  28 anyos na namatay na person of interest ay miyembro ng Tau Gamma Phi fraternity ngunit hindi ito estudyante.

Sinabi ni Jopia, na natagpuang patay ang fratman na kinilalang si alyas Sakmal sa isang lugar sa Taguig City noong Pebrero 28.

Siyam pang persons of interest, pinangalanan ni Nartatez

Samantala, pinangalanan ng tanggapan ni PRO CALABARZON Regional Director General Jose Melencio Nartatez ang siyam na iba pang miyembro ng Tau Gamma Fraternity na sangkot sa pagkamatay ni Salilig.

panayam kay General Nartatez kahapon ng umaga sa Police regional office sa kampong ito, Matapos sumuko ang isa pang suspect na si Daniel de los Reyes Perry, 23 anyos kay Cavite Governor Jonvic Remulla, inilabas ng pulisya ang pangalan ng iba pang responsable sa kaso.

Kinilala ng mga imbestigador ang mga suspects na sina Lalan Hernandez, Christian Cruz, Earl Miguel Queano Ursolino, Ralph Tan, Ryan Ray Camangyan, Carlos Miguel Rovillos, Aron James Cruz, Lester John de lara Sus, at Arjay Bryle Arao.

Ang mga nabanggit na persons of interests ayon kay General Nartatez ay pawang at large pa at kasalukuyang pinaghanap ng pulisya.

Kaugnay nito ay nanawagan si Nartatez sa publiko lalo’t higit sa may mga may impormasyon hinggil sa krimen na makipag tulungan sa isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para sa ikalulutas ng kaso 

Nagpalabas din ng panawagan ang Police Regional office sa mga nagtatagong persons of interest na sumuko na upang hindi na maging kumplikado ang kanilang kalagayan sakaling lumabas na ang warrant of arrest laban sa kanila.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.