Personal data ng PhilHealth members, nakompromiso sa cyberattack

0
133

Kabaligtaran ng mga naunang pahayag ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na nagsabing ligtas ang impormasyon ng kanilang mga miyembro mula sa anumang cyberattack, inihayag ngayon ng ahensya na naapektuhan ang ilang miyembro nito matapos ang isang cyberattack kamakailan.

Sa isang opisyal na abiso na inilabas ng PhilHealth, kinumpirma nila na nahaharap sa panganib ang impormasyon ng mga apektadong miyembro. Kasama sa mga impormasyon na na-access ay ang pangalan, address, mga numero ng telepono, kasarian, petsa ng kapanganakan, at mga PhilHealth Identification Numbers ng mga miyembro.

Sa kabila ng pag-atake, nananatiling hindi tiyak ang dami ng mga apektadong miyembro at rekord. Gayunpaman, iginiit ng PhilHealth na kanilang isinasagawa ang lahat ng kinakailangang hakbang upang mapanatili ang kaligtasan at kasiguraduhan ng kanilang mga miyembro.

“The number of data subjects or records involved is still undermined, but we’re working relentlessly to gather all relevant information,” ayon sa PhilHealth.

Ang insidente na ito ay nagpapakita na ang cybersecurity ay patuloy na isang malaking hamon para sa mga institusyon na nangangalaga ng mga sensitibong impormasyon ng mga mamamayan. Hinihikayat ng PhilHealth ang kanilang mga miyembro na maging mapanuri at magpatuloy sa pagbabantay sa kanilang mga financial transactions at online accounts upang maiwasan ang anumang posibleng panganib sa kanilang mga personal na impormasyon.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon hinggil sa cyberattack na ito, at umaasa ang PhilHealth na maibabalik ang kaligtasan ng impormasyon ng kanilang mga miyembro. 

Nag-aalala rin sila sa kalagayan ng kanilang mga miyembro at detemindao sila na matiyak na hindi muling mangyayari ang ganitong insidente sa hinaharap.

Naunang sinabi ng PhilHealth na ligtas ang datos ng mga miyembro nito mula sa mga cyberattacks. 

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo