Personal infos ng PhilHealth Members, nakompromiso sa cyberattack

0
173

Sa kabila ng unang pahayag ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) noong Lunes, ibinunyag ng ahensya ng health insurance na may kamakailang naganap na cyberattack kamakailan, na nagresulta sa pagkompromiso ng impormasyon ng ilang miyembro nito.

Ayon sa PhilHealth, kabilang sa mga apektadong impormasyon ang mga sumusunod: pangalan, address, mga numero ng telepono, kasarian, petsa ng kapanganakan, at mga PhilHealth Identification Numbers ng mga miyembro.

“Ang bilang ng mga data subjects o mga talaan na apektado ay patuloy na iniimbestigahan, ngunit kami ay nagtutulungan upang maipunla ang lahat ng kaukulang impormasyon,” ayon sa PhilHealth,

Sa unang pahayag ng PhilHealth, idineklara nila na ligtas ang mga perosnal data ng kanilang mga miyembro mula sa anumang cyberattacks. Subalit sa bagong abiso, kinumpirma nila sa mga miyembro ng PhilHealth na ligtas ang kanilang mga personal na impormasyon.

Nangangamba ang marami sa posibleng epekto ng insidenteng ito sa kanilang mga personal na datos at mga posibleng panganib sa kanilang kaligtasan.

Patuloy pa ring magbibigay ang PhilHealth ng mga update kaugnay sa cyberattack na ito habang isinasagawa ang imbestigasyon at mga hakbang upang mapanatili ang kaligtasan ng kanilang miyembro.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo