Pertussis treatment sakop ng PhilHealth

0
274

Tiniyak ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa publiko na sakop nito ang ‘inpatient confinement’ para sa kondisyon ng “whooping cough” o pertussis, ayon sa sinabi ni PhilHealth President and CEO Emmanuel Ledesma Jr.

Sa isang kalatas, sinabi ni Ledesma na ang PhilHealth ay nag-aalok ng mga benepisyo para sa pertussis treatment na nagkakahalaga mula P13,000 hanggang P19,000 para sa mga pasyenteng nangangailangan ng hospital confinement.

“We understand the concerns surrounding pertussis treatment and want to reassure the public that PhilHealth is fully committed to supporting individuals needing inpatient care for this illness,” ani ni Ledesma.

Dagdag pa ni Ledesma, “If our Kababayans need medical consultation, I encourage them to avail themselves of the free consultation and the medicines they need to treat the disease as recommended by the healthcare provider under PhilHealth Konsulta. All they have to do is register.”

Binigyang-diin din niya na tinitiyak ng PhilHealth ang pangangalaga sa mga pasyente habang tinatanggap ng organisasyon ang mga gastos sa medikal kaugnay ng pertussis treatment.

Sa kabilang dako, ang Pertussis, kilala rin bilang “whooping cough,” ay isang respiratory infection sanhi ng Bordetella pertussis bacterium. Ito ay kumakalat sa pamamagitan ng respiratory droplets at pangunahing nakakaapekto sa mga sanggol at batang walang DTaP vaccine, ayon sa Department of Health (DOH).

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.