Pfizer vaccines dumating sa PH kahit bumabagyo

0
199

Sa gitna ng banta ng Bagyong Odette, humigit-kumulang 1,164,150 doses ng Pfizer vaccines ang dumating sa Pilipinas noong Biyernes ng gabi, Disyembre 17.

Sa ngayon, may kabuuang 31,986,630 Pfizer doses na ang naihatid sa bansa mula sa 40 milyong doses na binili ng pamahalaan sa pamamagitan ng multilateral agreement sa Asian Development Bank (ADB).

Sa isang panayam kasunod ng pagdating ng mga bakuna, sinabi ni NTF medical consultant Dr. Ma. Paz Corrales na ipinagpaliban ng ilang rehiyon ang National Vaccination Days dahil sa Bagyong Odette.

“Merong mga Rehiyon na magsisimula sa December 20, 21, and 22 because not only should we ensure the safety and security of the vaccines, but also the security of our health workers. That’s why we have postponed and have different national vaccination days [for] the regions affected by the typhoon,” ayon kay Corales.

Noong Disyembre 16, ang pamahalaan ay nakapagbigay ng kabuuang 100,019,137 na dosis ng bakuna laban sa COVID-19 sa buong bansa.

Sa bilang na ito, 55,975,001 ang ibinibigay bilang unang dosis, 43,029,348, bilang pangalawang dosis, at 1,014,788 bilang booster shot.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo