Sta. Cruz, Laguna. Nagsanib-pwersa ang tanggapan ng Provincial Government-Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO) at Provincial Treasurer’s Office (PTO) laban sa iligal na pagmimina at ilegal na pangangalakal ng mga produkto nito.
Nagsagawa ang PG-ENRO Mineral and Land Resources Management (MLRM) Division ng orientation seminar sa mga kawani ng PTO na ginanap noong ika-18 ng Mayo, 2022 sa FAES-OPAg Multipurpose Training Hall, Brgy. Calios sa bayang ito.
Dumalo ang 19 na kawani ng PTO sa pamumuno ni Evelyn G. De Guzman sa nabanggit na pagsasanay na pinangunahan ni PG-ENRO Assistant Department Head Mary Grace G. Bannagao, EnP ang pagtalakay sa mga patakaran hinggil sa pagmimina sa lalawigan.
Tinuran ni G. Porfirio T. Briones, Jr., MLRM Division Technical Staff, ang Panlalawigang Ordinansa Blg. 8, S-2014, na nagtatakda ng parusa sa ilegal na pagkuha at ilegal na pangangalakal ng buhangin, graba, bato, ordinaryong lupa at iba pang materyales sa pagmimina.
Binigyan-diin ang mga pagsubok na kinakaharap ng tanggapan, tulad ng kakulangan sa tauhan na magbabantay sa mga checkpoints, na inaasahang mabibigyan ng solusyon ng pagtutulungan ng dalawang tanggapan.
Sa huling bahagi ng seminar ay nagkaroon ng bukas na talakayan at diskusyon na pinangunahan ni Gng. Bannagao kung saan nagbigay si De Guzman ng kanyang suhestiyon, na magkaroon ng regular na talakdaan ng pagsusuri ng mga resibo na ini-isyu ng PTO sa mga quarry at permit holders sa lalawigan, upang maging mas epektibo ang pagpapatupad ng nabanggit na ordinansa.
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.