PH Army, Air Force naka-standby para sa ‘Karding’ relief ops

0
214

Inihahanda na ngayon ng Philippine Army (PA) at Philippine Air Force (PAF) ang lahat ng available na tauhan at asset para sa posibleng humanitarian assistance and disaster relief (HADR) missions pagkatapos ng Super Typhoon Karding.

Sinabi ng spokeperson ng PA na si Col. Xerxes Trinidad, sa isang pahayag kagabi na ang Army ay nagtipon ng humigit-kumulang 200 tauhan na handang ipagsapalaran ang kanilang buhay upang iligtas ang mga mamamayan.

Samantala, patuloy na binabantayan ng mga opisyal at tauhan ng Army Operations Center (AOC) ang sitwasyon sa mga calamity areas para sa posibleng deployment ng HADR teams.

Samantala, inilagay ng PAF ang lahat ng kanilang disaster response task unit (DRTU) personnel, equipment, at air assets sa Luzon sa alert status para sa posibleng mga misyon ng HADR,

Bukod dito, ang mga PAF reservist sa iba’t ibang air reserve centers sa Luzon ay inilagay din sa standby alert para sa posibleng augmentation sa pagsasagawa ng HADR.

Sinabi rin ni Castillo na ang C-208 Grand Caravan at ang Hermes 900 UAV aircraft ay inalerto na lumipad para sa mabilis na pagtatasa ng pinsala at pagsusuri ng mga pangangailangan.

Samantala, kabilang ang mga tauhan ng Perez Municipal Police Station sa nagsagawa ng matagumpay na evacuation operations sa mga peligrosong lugar sa Perez Quezon.  Pansamantalang sumilong ang mga evacuees sa Brgy. Sangirin Chapel kung saan ay namahagi ng tulong na bigas at pagkain ang mga pulis.

Quezon ang ‘pinakamatinding tinamaan’ ni ‘Karding’ ayon sa paunang assessment

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo