PH consulate: Posibleng case of ‘mistaken identity’ ang pamamaril kay Laylo

0
189

Tinitingnan bilang isang kaso ng mistaken identity ang pamamaril at pagpatay sa Philadelphia ng abogadong Filipino na si John Albert Laylo, ayon sa Philippine Consulate General sa New York, na binanggit ang US authorities.

“The fatal shooting of Filipino lawyer John Albert Laylo could be a case of mistaken identity, according to police sources who say gunman appear to have fired at the wrong vehicle that was similar to what he was chasing,” ayon sa tweet ni Consul General Elmer Cato kanina.

Si Laylo ay namatay noong Lunes ng umaga matapos ang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin habang nakasakay sila ng kanyang ina sa Uber at bumabagtas sa kahabaan ng 38th Street at Spruce Street noong Linggo.

Ayon sa sa mga inisyal na ulat, sinabi ni Cato na si John ay tinamaan sa ulo ng isa sa ilang mga bala na ipinutok ng salarim sa sasakyan habang ang kanyang ina ay nagtamo ng mga sugat mula sa mga pira-pirasong basag na salamin.

Sinabi ni Cato na tutulong ang Konsulado sa pagpapauwi ng mga labi ni Laylo.

Idinagdag niya na sila ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga awtoridad ng pulisya at patuloy na binibigyang-diin sa kanila ang “importance we place on the resolution of this case.”

“We will be seeing the mayor and hopefully the police commissioner of Philadelphia tomorrow,” ayon sa kanya.

Samantala, nagpasya ang pamilya ni Laylo na i-donate ng kanyang mga organ.

Sinabi ni Althea Ann, kapatid ni Laylo, sa isang tweet noong Lunes na kahit paano ay magiging payapa ang kanilang isip kung “somewhere in the world, a piece of him is alive and breathing.”

Photo credits: Arab News
Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.