PH consulate sa US naghahanda para tulungan ang undocumented Filipinos na nanganganib maipa-deport

0
154

MAYNILA. Naghahanda ang siyam na konsulado ng Pilipinas sa Estados Unidos upang tulungan ang mga undocumented Filipinos na maaaring maapektuhan ng mass deportation at mga bagong patakaran sa imigrasyon sa ilalim ng administrasyon ni US President Donald Trump.

Ayon kay New York Consul General Senen Mangalile, bukas ang kanilang tanggapan para sa mga Pilipinong nais umuwi sa Pilipinas. Naglaan ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng pondo sa ilalim ng Assistance to Nationals (ATN) program upang sagutin ang plane tickets ng mga nagnanais mag-repatriate.

“Filipino citizens in the US who need help for repatriation may be eligible to access the ATN Fund. Once they have made the decision to go home, they may visit our Assistance to Nationals Section, which is open Monday through Friday from 9:00 AM to 5:00 PM. They can also consult via email at newyorkpcg.atn@dfa.gov.ph. In cases of urgent need, our mobile hotline is (917) 294-0196,” ani Mangalile sa panayam ng GMA News.

Dokumentasyon at Pagpapauwi

Siniguro ni Mangalile na handa ang kanilang mga kawani upang iproseso ang kinakailangang dokumentasyon para sa mga Filipino na gustong makauwi.
“We want to reassure our kababayan that the Consulate, as an agency of the Philippine government, is committed to assisting Filipino citizens regardless of their immigration status. We will assist within the bounds of what we can legally do, as far as the resources that the DFA can make available to us will allow, and with due respect to US laws,” dagdag pa ni Mangalile.

Bilang ng Undocumented Filipinos sa US

Batay sa datos ng Department of Migrant Workers, mayroong tinatayang 370,000 undocumented Filipinos na kasalukuyang naninirahan sa Estados Unidos. Karamihan sa kanila ay nasa mga estado ng California, Hawaii, New Jersey, Texas, Illinois, at Washington DC.

Hinikayat ng konsulado ang mga Pilipinong nangangailangan ng tulong na huwag matakot at agarang lumapit sa kanilang tanggapan upang makapagbigay ng suporta sa panahon ng kanilang pangangailangan.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo