PH embassy sa Japan nagbabala sa pagdami ng kaso ng influenza

0
27

Nagbabala ang Philippine Embassy sa Japan sa mga Pilipinong naninirahan at bumibiyahe sa bansa kaugnay ng pagtaas ng kaso ng influenza o trangkaso.

Ayon sa embahada, dapat magsuot ng face mask ang mga Pilipino, lalo na sa matataong lugar at pampublikong transportasyon, upang maprotektahan ang sarili laban sa virus. Pinayuhan din ang mga biyahero na kumuha ng travel insurance bilang paghahanda sakaling magkaroon ng hindi inaasahang gastusing medikal.

Bukod dito, pinaalalahanan ang mga Pilipino na manatiling updated sa mga pampublikong abiso at manatili sa bahay kung makakaranas ng sintomas ng trangkaso.

Para sa mga emerhensiya, maaaring tawagan ang:
📍 Philippine Embassy sa Tokyo – 080-4928-7979
📍 Consulate General sa Osaka – 090-4036-7984
📍 Consulate General sa Nagoya – 090-6580-6724

Patuloy na pinaaalalahanan ang lahat na mag-ingat at sumunod sa mga health protocols upang maiwasan ang lalo pang pagkalat ng sakit.

Samantala, nagdadalamhati ang entertainment industry matapos pumanaw ang sikat na Taiwanese actress na bumida sa seryeng Meteor Garden. Ayon sa mga ulat, nagkasakit siya ng influenza matapos bumiyahe ang kanyang pamilya sa Japan, at kalaunan ay nagkaroon ng malalang komplikasyon na naging sanhi ng kanyang pagkamatay. Ang kanyang biglaang pagkawala ay nagdulot ng matinding lungkot sa kanyang mga tagahanga sa buong mundo.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.