PH Embassy sa Warsaw nasa ‘high alert’ habang lumalala ang krisis sa Ukraine

0
448

Pinayuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipino sa Ukraine na manatiling mapagbantay at panatilihin ang pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad ng Pilipinas matapos magdeklara ng giyera ang Russia laban sa nabanggit na bansa.

Sinabi ni Russian President Vladimir Putin noong Huwebes na inaprubahan niya ang isang “special military operations” sa Donbas region sa gawing silangan ng Ukraine at sinabi sa mga Ukranian na ibaba ang kanilang mga armas.

Naging mabilis ang mga pangyayari, ang mga awtoridad ng Ukrainian ay nagdeklara ng natonal state of emergency.

Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na nasa “high alert” ang Embahada ng Pilipinas sa Warsaw at patuloy na nakikipag-ayos ang DFA sa ibang bansa para sa ligtas na paglabas ng mga Pilipinong gustong umuwi.

“Poland finally agreed to let ours in sans EU visas; not heard anything from Russia on our request re: its closest border. Most Filipinos in Ukraine are grateful guests and want to stick it out with their warm welcoming neighbors,” ayon sa kanyang tweet.

Ang 181 sa humigit kumulang na 350 Pilipino sa Ukraine ang nakipag-ugnayan na sa Embahada ng Pilipinas sa Warsaw, na may hawak na hurisdiksyon sa Ukraine.

Sa araw na ito, Biyernes, Pebrero 25 ay apat na Pinoy ang nakatakdang dumating sa Maynila.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.