PH, maglulunsad ng 2 cube satellites ngayong weekend

0
197

Ilulunsad patungong International Space Station ang mga Maya-5 at Maya-6 cube satellite (cubesat) ng bansa ngayong Linggo, ayon sa ulat ng Philippine Space Agency (PhilSA) sa kanilang Facebook page kahapon.

Ang paglulunsad ay nakatakda sa  Hunyo 4 ng 12:34 ng madaling araw (PST) o ika-3 ng Hunyo ng 2:34 ng hapon (EDT), sa loob ng SpaceX Falcon 9.

Ang cubesats ay binuo sa ilalim ng STAMINA4Space (Space Technology and Applications Mastery, Innovation and Advancement) Program sa tulong ng Department of Science and Technology, UP Diliman, PhilSA, at Kyushu Institute of Technology ng Japan.

Ayon sa website ng STAMINA4Space, ang Maya-5 ay may katulad na mission payload ng Maya-2; samantalang ang Maya-6 ay may eksperimental na on-board computer mission payload na magko-control ng attitude determination and control system at hentenna mission.

Noong 2021, inilunsad sa kalawakan ang Maya-2 na naglalaman ng mga eksperimental na payloads tulad ng iba’t ibang disenyo ng antenna at iba pang materyales na ginamit para sa mga solar panel ng isang cubesat.

Idinagdag ng website na ang Maya-5 at 6 ay kukuha ng mga larawan ng mundo at mayroong on-board image processor na gumagamit ng machine learning upang kategoryahin ang mga larawang ito.

Ang mga cubesats na ito ay may kasamang amateur radio communication system na maaaring tumanggap ng mga packet.

Bukod dito, sila ay magdadala ng store and forward mission, na nagkukolekta ng data mula sa mga partikular na distributed sensor sa iba’t ibang malalayong lugar sa mundo.

Ang paglulunsad ng Maya-5 at Maya-6 ay nagpapakita ng patuloy na pagsisikap ng bansa na magkaroon ng sariling kaalaman at teknolohiya sa larangan ng space science Ang mga ito ay magbibigay ng mahahalagang datos at mga larawan na tutulong sa pagsasaliksik at pagsulong ng agham at teknolohiya sa Pilipinas.

Samantala, inaanyayahan ang publiko na manood ng paglulunsad sa pamamagitan ng live feed ng National Aeronautics and Space Administration (NASA).

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.