PH, magre-repatriate ng 8 OFW mula sa Israel sa Oktubre 16

0
138

Magpapauwi ng walong Pilipino mula sa Israel sa Oktubre 16 ang Pilipinas, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

“Mayroong hindi bababa sa 22 Pilipino sa Israel na nagpaabot ng kagustuhang bumalik sa bansa. Ang unang batch, na sagot ng gobyerno, ay aalis sa Oktubre 16 – may walong kasama,” pahayag ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo De Vega sa mga reporter.

“Pagdating nila, bibigyan sila ng angkop na tulong. Kasama rito ang karaniwang pagsasanay para sa reintegrasyon at iba pang mga programa mula sa DMW (Department of Migrant Workers) at OWWA (Overseas Workers Welfare Administration),” dagdag pa ni De Vega.

Ang kaguluhan sa Israel ay sumiklab noong Oktubre 7 nang ang armadong grupo ng Hamas ay sumalakay sa Timog Israel mula sa kanilang Gaza enclave.

Kinumpirma rin ng DFA ang ikatlong Pilipino na namatay sa labanan, habang tatlo pa ang nawawala.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo