PH nag protesta laban sa China hinggil sa 2023 bersyon ng ‘standard na map’

0
173

Ipinahayag ng Pilipinas ang pagtutol laban sa China dahil sa paglabas ng 2023 bersyon ng “standard” na mapa na nagpapakita ng kanilang pagsasamantala sa South China Sea.

Kumpirmado ni DFA Assistant Secretary Daniel Espiritu na kanilang isinampa ang isang diplomatic protest hinggil sa isyung ito. Ang hakbang ng Pilipinas ay dahil sa pagpapakita ng Beijing ng standard na mapa na naglalaman ng 10 dash na may hugis U Shape, kung saan kinukuwestyon nito ang buong South China Sea bilang kanilang teritoryo.

Ayon pa rito, iniangkin din nila ang exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas pati na rin ng Malaysia, Brunei, Vietnam, at Indonesia.

“Ang pinakahuling pagtatangka na gawing lehitimo ang alegadong soberanya at hurisdiksyon ng China sa mga kinikilalang yamang-dagat at maritime zones ng Pilipinas ay walang basehan sa ilalim ng internasyonal na batas, partikular ang 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS),” ayon pa sa pahayag ng DFA.

Binigyang diin pa ng DFA na ang 2016 Arbitral Award ay nagpapatunay na mali ang pagsasamantala ng Beijing sa mga teritoryo na sakop ng nine-dash line.

Hinimok ng DFA ang China na maging responsable sa kanilang mga gawain at sundin ang kanilang mga obligasyon sa ilalim ng UNCLOS at ng 2016 arbitral ruling.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.