PH nakapagtala ng 37K new Covid-19 cases, 34K ang nakarekober

0
495

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 37,070 bagong kaso ng coronavirus disease infections at 33,940 bagong recoveries noong kahapon.

Ang mga aktibong kaso ay tumaas sa 290,938 habang ang kabuuang mga nakarekober ay tumaas sa 2,898,507, o 89.4 porsyento ng 3,242,374 na impeksyon na naitala mula noong nagsimula ang pandemya noong Marso 2020.

Sa mga aktibong kaso, 277,020 ang mild, 2,940 ang moderate, 9,187 ang asymptomatic, 1,480 ang severe, at 304 ang kritikal.

“Sa 37,070 na naiulat na mga kaso ngayon, 36,001 (97 porsiyento) ang naganap sa loob ng nakalipas na 14 na araw – Enero 4, 2021 hanggang Enero 17, 2022,” ayon sa DOH.

Ang mga region na may pinakamaraming kaso sa nakalipas na dalawang linggo ay ang National Capital Region (NCR) na may 13,061 o 36 porsyento ng mga bagong impeksyon; Region 4-A (Calabarzon), 9,048 o 25 percent; at Central Luzon, 4,173 o 12 porsyento.

Nadagdagan ng 23 kaso ng nasawi sa dating bilang na 52,929 na kumakatawan sa 1.63 porsyento ng kabuuang mga kaso ng pagkamatay.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.