PPS, PIDSP: Ligtas ang Covid-19 vax, epektibo para sa mga batang edad 5-11

0
269

Idiniin ng Philippine Pediatric Society (PPS) at ng Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines (PIDSP) ang kanilang buong suporta sa programa ng Department of Health (DOH) at National Task Force (NTF) para ma-inoculate ang mga batang may edad 5 hanggang 11 laban sa Covid-19 .

Sa magkasanib na pahayag ng mga grupo na inilabas ng NTF noong Linggo, sinabi ng grupo na naalarma sila sa mga kamakailang ulat ng ilang mga doktor na “nagdulot ng hindi nararapat na takot at nagdulot pag aalinlangan sa mga magulang at guardians.”

“Let us be clear and unequivocal: Covid-19 disease directly affects children and may lead to serious consequences. Children 5 to 11 years of age are at risk of severe illness from Covid-19,” ayon sa statement ng PPS at ng PIDSP.

Sinabi ng mga grupo na ang Multisystem Inflammatory Syndrome in Children (MIS-C) ay karaniwan din sa mga batang 5 hanggang 11 taong gulang.

“Unfortunately, some of us in our practice have already encountered a few pediatric patients with MIS-C, a few of whom have succumbed to the illness. Other post-Covid conditions have also been seen in this age group, including long Covid. Though majority of children infected with SARS-CoV-2 (severe acute respiratory syndrome coronavirus 2) present with asymptomatic or mild disease, MISC-C and post-Covid conditions can and typically occur after asymptomatic or mild infection,” ayon sa kanila.

Kabilang sa mga hindi direktang epekto ng pandemya ng Covid-19 sa mga bata ay ang lumalalang mental at emotional health, paglaki ng mga gaps sa edukasyon, pagbaba ng pisikal na aktibidad at pagtaas ng body mass index, pagbaba ng nakagawiang pagbabakuna, at pagtaas ng Adverse Childhood Experiences, ayon sa PPS at PIDSP.

“Broad vaccination implementation would reduce the public health burden of Covid-19 in children 5-11 years of age,” ayon pa rin sa kanila.

Ang paunang rollout ay gaganapin sa anim na lugar sa Metro Manila sa Lunes habang ang pagbabakuna sa buong bansa ay nakatakdang isagawa sa Pebrero 14.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.