PH, sasali sa trilateral naval drill South China Sea

0
159

Ibinalita ng Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na si General Romeo Brawner, Jr. na sasali ang Pilipinas sa mga joint drill ng iba’t ibang bansa sa South China Sea.

Ipinahayag ni Brawner ang kanyang kumpiyansa sa pahayag na ito, kasabay ng pagsasaad na hindi tumanggi ang Pilipinas na sumali sa trilateral naval drill ng United States, Japan, at Australia na kagaya ng ibinalita ng Kyodo News.

Ayon kay Brawner, patuloy pa rin nilang ang iniimbestigahan ang impormasyong inilabas ng Kyodo News.

“Hindi po totoo ‘yun na nag-decline tayo. Actually, ang ibig po nilang sabihin is that hindi tayo sumama o nag-commit ng barko,” paliwanag ni Brawner.

Sa ulat ng Kyodo News, binanggit na magpapadala ang Japan Maritime Self-Defense Force ng kanilang “pinakamalaking destroyer,” ang Izumo. Inaasahan din na magpapalipad ng kanilang mga barkong pandigma ang Royal Australian Navy at US Navy, kabilang ang mga amphibious assault ship na Canberra at America.

Binigyang diin ni Brawner na mayroong mga plano ang Pilipinas na magdaos ng mga joint exercises kasama ang mga bansang gaya ng US at Australia.

Sinabi rin sa ulat na “kinansela” ng Pilipinas ang kanilang pakikilahok sa isang joint drill dahil sa mga pagsasaayos ng mga sasakyang panghimpapawid ng tatlong iba pang mga bansa na “masyadong malaki upang dumaong sa mga deck ng mga barkong pandigma ng Pilipinas.”

Ang Japan, Australia, at US ay mga bansang kumilala sa 2016 arbitration ruling sa isang kaso noong 2013 na isinampa ng Pilipinas.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.