PH, US troops sa ‘Salaknib’ drills nag-donate ng 435 bags ng dugo

0
286

Nag-donate ng humigit-kumulang 435 bag ng dugo ang tropang Pilipino at Amerikano na kalahok sa “Salaknib” military exercises ngayong taon habang nagpapahinga sa kanilang war training noong Marso 25.

“The bloodletting drive, spearheaded by the Philippine Army in partnership with the GMA Kapuso Foundation, yielded a total of 435 blood bags from 687 registered donors. Philippine Army and US Army soldiers, who took time off from their training exercises, as well as civilian donors and aspiring soldiers participated in ‘Dugong Alay Ko, Dugtong Sa Buhay Mo, Sagip Dugtong Buhay’,” ayon kay PA spokesperson Col. Xerxes Trinidad sa isang statement late kahapon.

Idinaos ang bloodletting drive sa Army Artillery Regiment’s (AAR) headquarters sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija.

Ang “Salaknib,” ay isang Army-to-Army bilateral training exercise na naglalayong pahusayin ang interoperability ng mga sundalong Pilipino at Amerikano sa isang spectrum ng mga operasyong militar.

Ang ibig sabihin ng “Salaknib” ay kalasag sa Ilokano.

Nasa 3,000 tropang Pilipino at Amerikano ang kalahok sa mga pagsasanay na ito na nagsimula noong Marso 13 at magtatapos sa Abril 4.

Kaugnay nito, nakipag tulungan din ang Tanay-based 2nd Infantry Division sa GMA Kapuso Foundation at Philippine Red Cross para sa bloodletting drive sa Camp Capinpin sa Tanay, Rizal noong Marso 25 at nagsagawa ng bukod nabloodletting drive.

Ang “Sagip Dugtong Buhay” bloodletting drive ay nakaipon ng 100 blood bags mula sa 100 donor, kabilang ang mga sundalo at Reserve Officers Training Corps (ROTC) cadets mula sa University of Rizal System-Morong campus.

Ang aktibidad ay bahagi ng serye ng mga aktibidad na nakahanay para sa ika-126 na anibersaryo ng pagkakatatag ng PA, ayon kay Trinidad.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo